Images of Morong
This is Morong, Rizal.This is my hometown.I hope that through these pictures,those who are far from home will be able to glance once again at the places which have become part of their childhood.Their ups and downs. Places that have witnessed their daily lives and success as they become part of another generation. Through these pictures,they will be able to bring back the thoughts and memories.They can cross the thousands of miles distance and be close once again to the place they call HOME.
Tuesday, February 17, 2009
Saturday, December 20, 2008
Simbang Gabi na naman
Simbang Gabi na naman po. Sikat na sikat na naman ang mainit na pandesal sa Family Bakery. Patok na patok na naman ang puto bumbong at bibingka. Ngayon ay marami nang kasama kagaya ng higute, puto, may sopas at spaghetti pa. Pag kayo'y raraan papuntang St. Joseph ay parang Metrowalk. May mga lamisa at upuan sa labas na nakahilera at pwedeng kumain anytime. Yung mga simbang almusal ay ruon ang unang punta. Kanya-kanyang dala ng upuan at sa labas ang misa. Is alamang ang sigurado. Walang ka kupas-kupas ang ganda ng ating simbahan. Ke umaga, tanghali, gabi o madaling araw mo tingnan.
Tuesday, March 18, 2008
Mahal Na Araw
Panahon na naman po ng Kwaresma at ito ang panahon ng pagninilay-nilay natin sa ating mga kasalanan at tunay na kabuluhan ng ating pagiging Kristyano. Sana po ay gawin nating makabuluhan ang panahon na ito upang makapag-isip at mabago ang ano mang mga pangit na nagawa natin sa ating mga kapwa. Nawa'y papaghariin po natin sa ating mga puso ang kapayapaan, pagmamahalan, pagtutulungan at pagmamalasakit sa ating mga kababayan.
Saturday, October 06, 2007
Sa Triangle
Sa Triangle na sya ring talipapa sa umaga ay pinakang landmark ng Maybangkal. Rito ginaganap ang salubong kung Linggo ng Pagkabuhay. Sa litrato naman sa ibaba ay ang isa pang triangle kung saan naruon ang Flying V na gasolinahan at ang rating Tropical na sya ngayong istasyon ng mga jeep papaluwas at traysikel papuntang kabayanan.
